Pusposan na ang ginagawang paghahanda ng buong crew at staff ng Willing Willie, TV5 at Wil Productions para sa paparating na Willing Willie On-Tour na gaganapin sa Land of Promise, Mindanao, Agro Football Field, Quimpo Blvd. Ecoland, Barangay 76-A, Talomo District Davao City this coming February 26, 2011.
Araw na nga lang ang binibilang ng ating mga kababayan Davaoeño para masilayan nila ng personal at live na mapanood ang Willing Willie na dati ay sa telebisyon lang nila nakikita. Napakaswerte ng mga taga Davao dahil ito ang pangalawang destination na pinili ni Willie Revillame para magshow ang programang Willing Willie na napapanood natin sa TV5 mula Lunes hanggang Sabado.
Matatandaang nagshow na rin ang dating programa ni Willie na Wowowee sa Davao City na nilahokan ng libo-libong mga davaoeno. Kung naging matagumpay ang nakaraang Willing Willie On-Tour sa Lingayen Pangasinan, mas pagtitibayan pa daw ng buong grupo ang kanilang pagtatanghal sa Davao City.
Hindi lang pala ang Willing Willie ang magkakaroon ng show sa Davao City dahil nag-announced na rin ang Kapamilya Station na magkakaroon din daw sila ng show sa Davao City ngayong February 27, linggo ang ASAP Rocks!. Coincidence nga ba ito or talagang ayaw magpatalo ng Kapamilya network sa umaangat na station ang TV5.
Since na Sabado gaganapin ang Willing Willie, asahan na natin na manonood ang mga kapamilya artist na magtatanghal din sa Davao City.
Sadya nga bang matalino talaga ang TV5 Marketing dahil uunahan ng Willing Willie na magshow sa Davao City ang Kapamilya Network?
Kung baga tira-tira na lang ang excitement na mararanasan ng mga Kapamilya na magtatanghal sa Davao. Kung baga sure nasa Willing Willie ang siguradong crowd ng mga Davaoeño. Ganun pa man, swerte pa rin ng mga taga Davao.
Willing Willie Live in Davao City this coming February 26, 2011. See you there mga Kapatid!
Friday, February 25, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment