Inanunsyo na kahapon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mahabang regular at non-working holidays ngayong Christmas break upang abisuhan ang mga employer kaugnay sa daily basic wage adjustment sa mga araw na tatamaan ng pista opisyal.
Tatama ang regular holidays sa Disyembre 25 (Christmas Day), Disyembre 30 (Rizal Day) at Enero 1, 2009 (New Year’s Day). Habang ang special non-working days naman ay nakaiskedyul sa Disyembre 26, 29 at 31.
Ayon kay Labor Sec. Marianito Roque, ang abisong ito ay pinagtibay ng Proclamation No. 1463 ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Idineklara ng MalacaƱang ang Disyembre 26 (Biyernes) at 29 (Lunes) bilang additional special non-working days upang bigyan ng sapat na panahon ang mga Pinoy na makahalubilo at makapagdiwang ng Pasko sa mga mahal sa buhay.
“In order to enable our countrymen to have a more meaningful observance of Christmas and New Year, to strengthen their ties with one another. The President declares a long-holiday para naman ma-enjoy ng mga kababayan natin ang bakasyon,” ani Roque.
Samantala, inihayag kahapon ng Pangulo na ikokonsulta umano muna niya sa business at labor sectors kung dapat o hindi na ideklarang special holiday ang Enero 2.
Ito’y sa dahilang malapit ito sa weekend at nakadikit sa mahabang holiday mula Disyembre 30, 31 at Enero 1.
Ito’y sa dahilang may komplikasyon umano sa overtime pay ang naturang araw at mahalagang makuha ang opinyon dito ng mga apektadong sektor
Monday, December 22, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment